Sunday, March 9, 2008

Maging Sisay Ka Man - Main Plot


Ayon sa larawang ito, ito’y isang nobela ng iba’t ibang tao. Si Ronel ay asawa ni Vianney at kapatid ni Herlyn. Sila ay namumuhay sa mundo ng kapangyarihan at kayamanan. Ang pamilya ay nasindak sa biglang pagkawala ng kanilang pinsan na sina Ron, Kim at Gervin at ang ama nilang si Jonathan. May kapatid sila sa labas, si Louville, na tinuturing nilang sampid ngunit tinuturing naman ng kanilang amang si Carlo na isang prinsesa ng pamilya. Ang mga kasyoso ni Carlo sa kanyang bangko ay sina Juan at Dea. Si Russel naman ang kanang-kamay ni Juan, at si Joy naman ang sekretarya ni Dea. Sina Vianney, Lea, Hazel at Diane naman ay matatalik na magkakaibigan ngunit sumama ang loob nila kay Vianney dahil mas tinuunan niya ng pansin ang kanyang kayamanan kaysa kaibigan. Si Kat at Kenneth naman ang matitipunong secret agents na palihim na binabantayan si Louville dahil sa isang planong assassination sa kanya dahil sa matinding galit ng isang dating kaaway – si Clifford. Si Theo at Tkel naman ang dalawang kapatid ni Kat na tumutulong sa kanilang kapatid na makaraos sa buhay. Si Chiara naman ang kikay na empleyado sa Banking Corporation ni Carlo. Si Eliah naman ay ang dating manliligaw ni Chiara ngunit may balak na maghiganti sa inakala niyang karibal niyang si Marco na ang tunay na mahal ay ang kapatid ni Kenneth na si Ave. Ang pinsan ni Marco na si DeeDee naman ang ultimate fan at stalker ng isang supermodel na si Angel na isang modelo ng isang advertising agency na dating pinagtatrabahuhan ni Chiara. Ang kapatid ni Angel na si Third ang nagmamanage ng career nito kasama ang tulong ng best friend nitong si Arcci. Si Oliver naman ay isang mayamang investor sa Banking Corporation na mortal na kaaway ni Hubert dahil sa balak na pagpapabagsak sa kumpanya. Si Ludel naman ang naglalason sa isip ni Hubert upang lalong malugmok sa utang ang pamilya ni Carlo. Si Don naman ay isang nagbibinatang college student na nag-eexplore na kanyang buhay – at unti-unting naging kaibigan ang kanilang boy na si Carl. Ito naman ay binigyang malisya ng ina ni Don na si Asther na kontrolado ang buhay nito. Ang pinsan ni Don na si Jai ay pilit niyang kinukumbinse si Don na iwasan si Carl dahil sa gulong maidudulot nito. Ang mga godparents naman ni Don na sina Olivia at Willy ay paminsan-minsan siyang pinapayuhan sa buhay. Nagulo ang buhay ni Don ng makilala niya si Paolo na mas pinagtutuunan ng pansin si Carl. Si Clint naman ang kaisa-isang anak ni Ludel na nagkagusto sa Tita Merce nito na mas matanda sa kanya, na siya namang tinutulan ng kapatid ni Merce na si Besa, at mas pinili si Ed para sa kanyang kapatid.

Unti-unting kilalanin ang mga tauhan ng totoong buhay na ito. Silipin kung ano ang mangyayari si ika-labing walong kaarawan ni Louville, na siyang takdang oras upang pabagsakin ang pamilya Banaag. Masasagip pa ba nila ang mga pinsan nilang si Ron at Gervin? Sino ang mamamatay? Sino ang mabubuhay? Pamilya o kaibigan? Kaibigan o kayamanan? Kayamanan o kamatayan?

No comments: