Tuesday, April 15, 2008

Portchir



Portchir
Jonathan Casano

Pare pakopya naman
Ng assignment mo sa Math
Tinamad lang talaga ako kagabi
Buong magdamag nakatunganga sa TV

Nakapag-aral ka na ba
Mahirap daw ang quiz natin sa Physics mamaya
Nasan ang calculator mo?
Ayos lang yan, pareho tayong wala

Chorus
Heto na ang taon na tayo’y huling magsasama-sama
Heto na ang taon na maraming halakhak
Ngunit sa dulo ay may iyakan

May pagkain ka ba dyan?
Di na ako makapaghintay ng lunchtime
Pahingi naman, habang walang tumitingin
Sumusulat pa sa board ang teacher natin

Pahiram naman ng notebook
Di kasi ako nag-cocopy ng notes
Magchecheck kasi si Ma’am bukas
Kung ‘yaw mong ipahiram ipapaphotocopy ko na lang

Chorus
Heto na ang taon na tayo’y huling magsasama-sama
Heto na ang taon na maraming halakhak
Ngunit sa dulo ay may iyakan

No comments: